![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Benta ng mga sasakyan, tumaas pa
NANATILING maganda ang industriya ng mga sasakyan sa Pilipinas noong nakalipas na buwan ng Abril.
Ayon sa pinagsanib na ulat ng marketing committees ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA), kahit bumaba ang bentahan kung ihahambing sa buwan ng Marso, 2014, ang benta noong Abril ay mas mataas ng 19.9 % sa 15,094 na sasakyang naipagbili noong Abril 2013.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI, tumaas ang benta ng mga kotse at commercial vehicles kung ihahambing sa benta noong nakalipas na taon. Naganap ito sa matatag na pangangailangan ng mga bagong sasakyan at patuloy na marketing support sa pamamagitan ng mas mahabang promo periods. Umabot ang benta ng mga kotse sa 6,732 units na kinakitaan ng pag-angat ng may 41% o mas mataas ng 1,959 na units sa bentahan noong nakalipas na Abril 2013. Ang commercial vehicle segment naman ay nagkaroon ng 11,362 units at lumago ng 10.1% kaysa bentahan noong Abril 2013.
Sa pangkalahatan, umabot sa 69,737 ang mga sasakyang nabenta mula noong unang araw ng Enero hanggang ngayon. Lumago ito ng 22.1%. Nanguna pa rin ang Toyota Motor Philippines Corporation na nagkaroon ng 44.4% at nagkaroon ng dagdag na3.4% sa paghahambing na bentahan noong nakalipas na taon. Mitsubishi Motor Philippines Corporation na nagtamo ng 23.5%, Ford Motor Philippines ay may 7.8% share, Isuzu Philippines naman ang nasa ika-apat na puwesto at mayroong 6% at Honda Cars Philippines, Inc. ang ika-lima.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |