Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbabago ng Saligang Batas, higit na magdudulot ng kahirapan

(GMT+08:00) 2014-05-15 18:41:24       CRI

Obispo, nanawagan sa ilang foreign agencies: Pagkain at kabuhayan ang kailangan

PINUNA ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang gawi ng ilang banyagang ahensya na tumutulong sa mga biktima ni "Yolanda" sa Silangang Samar. Inuna umano ng ahensyang ito ang pamamahagi ng contraceptives tulad ng mga condom at pilduras.

Sa halip na birth control, makabubuti pa na bigyan ang mga biktima ng pagkakakitaan at iba pang kailangan upang mabuhay.

Matapos ang anim na buwan mula ng tumama ang trahedya, hirap pa rin sa pagkain ang mga biktima ng bagyo, walang pangmatagalang matitirhan at walang hanapbuhay na kailangan upang makabawi at makaahon sa kahirapan.

Idinagdag ng obispo sa panayam ng Pacific Times, kailangan umanong maging maingat ang pakikipagtalastasan sa mga non-government organizations sapagkat nagagamit nila ang kahirapan ng mga biktima.

Nanawagan ang obispo sa mga pari lalo na nakadistino sa mga malubhang apektado ng bagyo na hilingin sa kanilang mga kababayan na tanggihan ang artificial birth control devices na iniaalok ng ilang mga ahensya na hindi naman niya pinangalanan.

Anang obispo, kailangang turuan ang mga mamamayan na tanggapin ang mga pabahay at pagkakakitaan subalit tanggihan ang pagsusulong ng artificial reproductive devices.

May karapatan ang mga nakaligtas sa bagyo na magkaroon ng maayos na kalusugan at buhay at ang artificial reproductive devices ay peligro sa mga karapatang ito.

Kahit hindi pinangalanan ng obispo ang ahensya, litaw ang United Nations Population Fund sa pamamahagi ng family planning devices sa mga biktima ng bagyo. Ayon sa mga nakasaksi, matapos manalasa ang bagyo, naglunsad ng information campaign hinggil sa birth control services sa Silangang Kabisayaan ang UNFPA.

Naringgan din ang ahensya na nababahala sila sa pagkakaroon ng unwanted pregnancies at pagkalat ng sexually transmitted diseases.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>