|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Padalang salapi ng mga Pilipino, tumaas sa unang tatlong buwan ng 2014
TUMAAS ng 6.6% ang personal remittances ng mga Filipino sa unang tatlong buwan ng 2014 kung ihahambing sa halagang US$ 6.1 bilyon sa natamo noong nakalipas na taon.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr., tumaas ng 6.9% ang padala ng mga manggagawang Filipino noong Marso sa halagang US$ 2.1 bilyon kung ihahambing sa naipadalang halaga noong Pebrero.
Nakita sa kanilang pagsususri na masigla ang remittances ng mga Filipino sa mga land-based workers na may matagal ng kontrata na nakarating sa 4.5% at mga magdaragat at land-based workers na may maiksing kontrata at umabot sa 10.9%.
Lumago rin ang remittances ng mga Filipino na idinaan sa mga bangko ng may 6.5% sa nakalipas na taon. Umabot sa US$ 1.9 bilyon noong Marso 2014.
Karamihan ng mga Filipino ang nagtatrabaho sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Taiwan, Kuwait at Qatar.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |