|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Red Cross, magtatayo ng 140 mga tahanan sa Cebu
MAGKASAMANG ilulunsad ng Philippine Red Cross at mga kabalikat tulad ng France Philippines United Action ang isang housing project para sa may 140 pamilya sa Daan Bantayan, Cebu para sa mga nasalanta ni "Yolanda."
Nagkakahalaga ang proyekto ng US$ 2 milyon, magkakaroon din ng health at community facilities, livelihood support sa mga apektadong pamilya at katatampukan ng disaster risk reduction component.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, higit sa 100 pamilya ang makikinabang sa proyekto na suportado ng mga kumpanyang Pranses tulad rin ng French Red Cross.
Ilan sa mga corporate sponsors ang mga nangungunang bahay kalakal sa Francia tulad ng Total, Sanofi, Caisse des Dépôt at Lafarge. Nagtutulungan ang Philippine Red Cross at Habitat for Humanity-Philippines. Mayroon ding itatayong daycare center, multi-purpose center at barangay health unit na pakikinabangan ng Barangay Paypay sa Daan Bantayan na may 750 pamilya.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |