|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pakikipag-usap sa Tsina, nararapat lamang ituloy
WALANG masamang ituloy ang pakikipag-usap ng Pilipinas sa Tsina. Ito ang paniniwala ni Dr. Temario Rivera, Board Chairman ng Center for People Empowerment in Governance.
Sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ng dating chairman ng Political Science Department ng University of the Philippines – Diliman, kailangan ang pakikipagusap sa Tsina upang magkaroon ng pangmatagalang soluyson sa 'di pagkakaunawaan (sa Tsina).
Sa katatapos na nilagdaang Enhanced Defense Cooperation Agreement sa Estados Unidos, sinabi ng propesor na ito'y isang pangmadaliang solusyon sa suliranin.
Nararapat lamang maunawaan ang mga nagaganap at isulong ang layuning malutas ang 'di pagkakaunawaan sa paghahanap ng makabagong paraan.
Nawala na umano ang "critical perspective" ng Pilipinas. Nais din niyang mabatid kung ano ang dahilan at pursigido ang Estados Unidos na malagdaan ang kasunduan sa pinakamadaling panahon.
Ipinagtanong ng propesor kung tagapagligtas nga ba ang Estados Unidos. Isang "safeguard" lamang ang mutual defense treaty upang maiwasan ang tuwirang digmaan subalit hindi lamang ito ang solusyon.
Hindi pa huli ang lahat sapagkat maaari pang pag-aralan ng Pilipinas ang pagkakaroon ng joint management sa pinagtatalunang karagatan at mga pulo, dagdag pa ni Dr. Rivera.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |