|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pagtugon sa pagbabago sa klima, kailangan
SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na kailangan ang sama-samang pagtugon sa pagbabago sa klima. Sa kanyang talumpati sa idinaraos na United Nations World Tourism Organization – ASEAN International Conference on Tourism and Climate Change sa Legazpi City, sinabi ni Pangulong Aquino na tinitiyak nilang ang mga bahay at pagawaing-bayan ay higit na matibay at makatutugon sa hagupit ng anumang sama ng panahon.
May disensyong inihahanda ang Department of Public Works and Highways para sa mga lansangan samantalang may paghahanda rin ang National Electrification Administration upang maayos ang kinatatayuan ng kanilang mga poste.
Ani Pangulong Aquino, kung hindi tutugunan ang hamon ng pagbabago ng klima mapipilitang kumilos ang mga pamahalaan na ang pagpipilian ay disaster risk management at kaunlaran sa pook na tatamaan ng trahedya.
Kung hindi kikilos ang madla, higit na dadalas at mas malakas ang mga bagyong tatama sa Pilipinas, magkakaroon ng mga pagbabago sa temperature na siyang magbabawas sa water supply at magdudulot ng panganib sa food security. Darating ang panahon na wala nang mga pulo sa South Pacific sa pagtaas ng tubig sa karagatan dala ng climate change.
Sa larangan ng turismo, sinabi ni Pangulong Aquino na nagkaroon ng 4.68 million international tourists sa Pilipinas, mas mataas ng sampung prosiyento kaysa noong nakalipas na taon. Layunin nilang malapasan ang tourist arrivals at matamo ang 10 million mark sa taong 2016, may dalawang taon at isang buwan na lamang mula ngayon.
Mula sa target na 35.5 milyong domestic tourists sa taong 2016, umabot na sa 37.5 milyon noong 2011. Target na ng pamahalaan na magkaroon ng 56.1 milyong domestic tourists sa 2016.
Kabilang sa tugon ng pamahalaan ang pagbabalak at mabawasan ang epekto ng climate change sa tourist destinations. Kabilang ditto ang climate change adaptation at migitation tulad rin ng disaster risk reduction and management. Isasabay ang mga palatuntunang ito sa local, sectoral at national plans na kabibilangan ng pagpapa-unlad ng tourist destinations at mga magagawa ng mga turista sa kanilang dadalawaning pook.
Kailangang makasama sa pagsusuri ang mga bansang kabilang sa ASEAN at sa daigdig upang matiyak ang madalian at matagalang tugon sa mga hamong dulot ng climate change.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |