|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Magbitiw na kayo, panawagan sa mga idinawit sa pork barrel scam
NANAWAGAN ang isang koalisyon ng mga educator, mga relihiyoso at mga mangangalakal sampu ng civil society sa mga idinawit sa power barrel scam na magbitiw na sa kanilang posisyon kung mayroon silang "delicadeza."
Ayon sa Cebu Coalition Against Pork Barrel System (CCAPBS), nararapat silang magbitiw upang maiwasang maimpluwensiyahan ang pagsisiyasat.
Ayon kay Msgr. Romualdo Kintanar, pinuno ng koalisyon, ang mga mararangal na alagad ng pamahalaan ay inaasahang tatalima sa angkop na pag-uugali at asal ay karakarakang magbibitiw sa oras na pagdudahan ang kanilang integridad, payagang magkaroon ng malayang pagsisiyasat at iiwas na maimpluwensiyahan ang mga magsisiyasat.
Maaari silang magsumite ng mga dokumentong magiging daan ng pagsisiyasat. Ipinaliwanag ng monsignor na ang pagpupumilit na manatili sa tanggapan dahilan sa sila'y halal ng bayan ay mali sapagkat hindi sila kailangang magkanlong sa pahayag na halal sila ng bayan.
Ani Msgr. Kintanar, nahalal sila sa paniniwala ng madla na wala silang gagawing anumang labag sa batas. Puede silang umalis sa kanilang puesto at saka bumalik sa oras na mapatunayang wala silang kasalanan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |