|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Alert Level 2, initinaas sa Thailand
ITINAAS ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang Alert Level sa Thailand mula sa 1 (Precautionary Phase) sa 2 (Restriction Phase) dahilan sa serye ngmga pangyayari sa bansa. Nagdeklara ang militar ng Thailand ng Martial Law.
Inilalabas ang Alert Level 2 kung may peligro sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Filipino mula sa kaguluhang pangloob o panglabas sa kanilang kinalalagyan. Sa ilalim ng Alert Level 2, ang mga Filipino sa Thailand ay pinapayuhan na huwag munang maglalabas ng tahanan o tanggapan, umiwas sa matataong pook at maghanda para sa posibleng paglilikas.
Sa ilalim din ng Alert Level 2, papayagan lamang ng Department of Labor and Employment ang mga manggagawang Filipino na may kontrata o balik-manggagawa na makabalik sa pinaglilingkurang pook.
Pinayuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Bangkok ang mga Filipinong naninirahan o maglalakbay sa Thailand na umiwas sa mga pook na pinagdarausan ng mga demonstrasyon at huwag ding lalahok sa mga protesta o iba pang political activities. Kailangang maging maingat at bantayan ang mga nagaganap sa kanilang kapaligiran.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |