|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga pari, kontra sa privatization ng ospital ng pamahalaan
ISANG grupo ng mga paring Katoliko sa Kabisayaan ang nanawagan na huwag nang ituloy ang pagsasapribado ng Philippine Ortophedic Center.
Sa isang pahayag ng Visayas Clergy Discernment Group, sinabi nilang isang krimen ang kapabayaan para sa pamahalaan kung gagawin nilang pribado ang pagamutan.
Sinabi ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, convenor ng grupo na sa Pilipinas, may 70% ng mga mamamayan o 66 na milyong Filipino ang nabubuhay sa kinikitang wala pang P 104 sa bawat araw.
Anang obispo, tila tinatalikdan ng pamahalaan ang obligasyon nito na pangalagaan ang mga mamamayan, kabilang na rin ang sapat na atensyong medical.
Nanawagan ang mga pari na sa halip na isapribado ang mga pagamutan, kailangang magtayo ng mas maraming pagamutan lalo na sa mga liblib na pook.
Idinagdag pa nila na ang mga manggagawa, magsasaka at mangingisda ang nagbibigay ng pagkain sa mga Filipino at kung sila'y magiging malusog, tiyan na lulusog ang bansa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |