Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Yudhoyono, dadalaw sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2014-05-20 18:45:35       CRI

Senador Grace Poe: nararapat may hotline ang media sa pulis

ANAK NG NAPISLANG NA MAMAMAHAYAG, HUMARAP SA SENADO.  Nagsalita kanina sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order ang anak ni Rubie Garcia, (gitna) at nanawagan na lutasin ang pagpaslang sa kanyang ina.  Nasa kaliwa si Senador Grace Poe na nagsabing kailangan ng isang inter-agency committee upang masuri at magkaroon ng mas madaling pagsisiyasat sa mga mamamahayag na napapaslang.  May 48 ng mamamahayag ang napapaslang sa PIlipinas mula noong 2001 hanggang ngayon.  (Senate PRIB/Sen. Grace Poe)

SINABI ni Senador Grace Poe na kailangang magkaroon ng direct line ang mga propesyunal na mamamahayag sa pulisya dahilan sa serye ng mga krimen laban sa mga peryodista at mga brodkaster.

Sa pagdinig na ginawa ng Senate Committee on Public Order and Dangerours Drugs na pinamunuan ng babaeng mambabatas kasama sa Committee on Justice and Human Rights sa ilalim ni Senador Kokko Pimentel, sinabi ni P/Supt. Henry Libay na mula sa 48 insidente ng media killing mula noong 2001, anim pa lamang ang nalulutas na nagwakas sa paghahatol sa mga salarin.

Sa pangyayaring ito, sinabi ni Senador Poe na nararapat magkaroon ng hotline ang mga mamamahayag sa PNP. Nagkataon lamang na may pangyayaring sangkot ang pulisya sa pagpaslang sa mga mamamahayag.

Kailangang pagpulungan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan ang extrajudicial killings at magsumite ng progress report sa komite at magkaroon ng kinatawan ang mga mamamahayag upang magkaroon ng sapat na koordinasyon.

Nakiisa si Senador Poe sa mga mamamahayag sa panawagang lutasin ang pagpaslang kay Robelita "Rubie" Garcia. Nagsalita ang anak ng biktima sa pagdinig kanina.

Idinagdag ni P/Supt. Libay na mula sa 48 insidente ng pagpaslang sa mga mamamahayag, 36 na ang nasa hukuman. May 12 kasong nililitis, anim ang archived, anim ang natapos ng may kaukulang hatol, apat ang napawalang saysay at lima ang na-dismiss.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>