![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
melo/20140609.m4a
|
NANINIWALA ang mga lumahok sa Tapatan sa Aristocrat na mahalaga ang itinuturong mga aral ng kasaysayan sa pagsulong ng bansa. Ayon kay Atty. Pablo S. Trillana III, dating Grand Knight sa Knights of Rizal na makikita ang mga sinabi ni Gat Jose Rizal na pitong scenarios na karamiha'y nagkatotoo na. Unti-unti nang nagaganap ang ika-anim na scenario samantalang nababanaag na ang ikapito.
Nakita umano ni Rizal ang panghihimasok ng Estados Unidos sa Pilipinas, pananakop ng mga Hapon at ang mga kakaharaping pagsubok ng bansa. Magkakaroon ng papel ang Pilipinas sa rehiyon, dagdag pa ni Atty. Trillana.
Samantala, sinabi naman ni Atty. Manuel Almario na hindi na nararapat pagdebatehan kung sino kina Gat Andres Bonifacio at Gat Jose Rizal ang nararapat kilalaning Pambansang Bayani. Ani G. Almario, kapwa nagmamahal sa bansa ang dalawang bayani at mayroong kanya-kanyang papel na ginampanan sa pagkakaroon ng kalayaan ng bansa.
Ayon kay Profesor Wensley Reyes, nararapat seryosohin ng mga kabataan ang pagsusuri sa Kasaysayan sapagkat magkakaroon ng pagpapahalaga sa mga ginawa ng mga bayani para sa bayan.
Idinagdag naman ni G. Frank Hilario na maraming leksyong itinuturo ang Kasaysayan at kailangang maging mapanuri ang mga mag-aaral sa nakaraan upang huwag nang maulit na muli ang mga pagkukulang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |