|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
May liwanag na sa pagpaslang sa dating PAO lawyer
SA mga balitang lumabas sa Sun Star Daily sa Davao City, hinahanap na ng Special Investigation Task Group ng lungsod ang pumaslang kay Atty. Emmanuel Ledesma Acuna noong ika-30 ng May.
Sa kanyang palatuntunan kahapon na pinamagatang "Gikan sa Masa, Para sa Masa," sinabi ni Mayor Rodrigo P. Duterte na kilala na ang suspect sa pagpaslang sa abogado sa parking area ng isang bangko sa Lanang District. Mayroon na ring cartographic sketch ang suspect.
Ani Mayor Duterte, ang problema na lamang ay ang pagdakip sa suspect. Nagkataong wala sa lugar ng krimen ang mga pulis noong Biyernes ng gabi.
Isang "hired killer" ang nasa likod ng krimen.
Isa umanong suspect, isang negosyanteng nagngangalang Francis Gerald Ang, ang sinasabing suspect ay humarap na sa mga autoridad upang tumanggi sa alegasyon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |