Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasaysayan, mahalaga sa pagsulong ng bansa

(GMT+08:00) 2014-06-09 18:16:53       CRI

Pagbaril sa abogado sa Davao City, isang hiwaga pa rin

IMBESTIGASYON SA PAGPASLANG SA DAVAO, TULOY PA. Makikita ang isa sa mga kasama ng PAO Forensic Team na naglalagay ng markings sa sasakyang ginamit ng napaslang na abogado noong ika-30 ng Mayo. Sa sasakyang ito natagpuan ang dalawang piraso ng tinggang mula sa pamamaril. (Melo M. Acuna)

 

IBA'T IBANG SEKTOR SA DAVAO, KINONDENA ANG PAGPASLANG. Iba't ibang sektor ng lipunan sa Davao ang nagpaabot ng kanilang pagkondena sa pagpaslang sa 31-taong gulang na dating abogado ng Public Attorney's Office. (Melo M. Acuna)

HINDI naaaresto ang sinasabing utak ng pagpaslang kay Atty. Emmanuel Ledesma Acuna, 31 taong gulang at dating kawani ng Public Attorney's Office sa ilalim ni PAC Regional Director Francis Calatrava.

Magugunitang binaril si Atty. Acuna sa isang parking lot ng Bank of Philippine Islands sa isang sangay ng Davao noong Biyernes, ika-30 sa buwan ng Mayo.

Ayon kay Atty. Persida V. Rueda-Acosta, hiniling ng pamilya ng napaslang na abogado ang tulong ng PAO Forensics Division sa ilalim ni Dr. Erwin Erfe. Isinagawa ang autopsy noong Sabado ng umaga hanggang hapon at nabatid na tatlo ang tama ng biktima. Isang bala ang tumagos sa kanyang ulo samantalang isa pa ang tumama sa kanyang kanang dibdib at mayroong isang punglo na tumama sa kanyang kanang braso.

Noong Linggo ng gabi, unang araw ng Hunyo, namayapa ang dating abogado ng Public Attorney's Office.

Idinagdag pa ni Atty. Acosta na kanilang kinokondena ang pagkakapaslang sa dati nilang manananggol na opisyal ng hukuman. Hindi umano pababayaan ng Public Attorney's Office ang usapin samantalang nanawagan din siya sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation na magtulungan upang malutas kaagad ang pagpaslang.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya na may posibilidad na "love triangle" ang dahilan ng pagpaslang. Nakabawi ang kanilang Scence of the Crime Operatives (SOCO) ng Davao City Police Station ng limang basyo ng caliber .45 pistol sa pook na pinangyarihan ng pamamaril.

Sa ginawang pagsusuri ni Chief Public Attorney Acosta at Dr. Erfe, natagpuan nila ang dalawang tingga ng bala sa sasakyan ng biktima na nasa pag-iingat ng Sasa Police Station.

Noong Sabado ng gabi, dinalaw ng PAO Forensic Team ang pook na pinangyarihan ng krimen at natagpuan ang isang tama ng bala sa isa sa mga poste ng Bank of Philippine Islands na nagmula sa direksyon ng lansangan.

Sinabi naman ni G. Rolando Acuna, ama ng biktima na bagama't pinatatawad na nila ang may kagagawan ng pagpaslang, nararapat din silang managot sa kanilang ginawa. Isa umanong mabuting anak si "Bunso", ang pinakabunsong anak nila na isang masunuring anak na may pagmamalasakit sa mga aba na kanyang pinaglingkuran sa Public Attorney;s Office.

Kanina inihatid sa huling hantungan ang labi ni Atty. Emmanuel Ledesma Acuna sa isang libingan sa Davao City matapos ang Misang idinaos sa pinakamalapit na Simbahan kaninang ikalawa ng hapon.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>