|
||||||||
|
||
Sa likod ng mga kontrobersya, nanawagan si Senador Drilon ng pagbabago sa Senado
NANAWAGAN si Senate President Franklin M Drilon na talikdan ang partisan politics at magsama-sama sa pagpupunyaging maibalik ang tiwala ng mga mamamayan.
Magugunitang tatlo sa kanyang mga kasama, sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Senador Jose "Jinggoy" Estrada at Ramon "Bong" Revilla ay napipiit na pansamantala dahilan sa kontrobersal ng pork barrel scam.
Ito ang kanyang mensahe sa kanyang mga kapwa Senador sa pagsisimula ng sesyon kaninang umaga. Oportunidad umano ng Senado na mabawi ang pagtitiwala ng taongbayan. Naniniwala ang senate president na hindi ito basta matatamo kung hindi magpupunyagi ang mga kanyang mga kasama.
Una ng binanggit ni Pangulong Aquino na wala siyang balak magtagal sa puesto tulad ng mga mungkahi ng ilan mga sektor ng lipunan. May mga pangalang inilalabas na posibileng tumakbo sa pagka-pangulo tulad nina Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano at Senador Francis Escudero.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |