|
||||||||
|
||
Kaunlaran at katatagan, kailangang ipagpatuloy
SINABI ni House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. na marami pang nararapat gawin at kabilang ditto ang pagpapanatili ng kaunlaran at pagbabagong panglipunan.
May mga tagumpay na natamo sa larangan ng pamamalakad ng pamahalaan subalit nahaharap sa pagpapatatag pa ng kaulanran sa ekonomiya at pagsasama-sama ng mga pagbabagong sinimulan ng administrasyong Aquino.
Sa pagsisimula ng second regular session ng Mababang Kapulungan sa ilalim ng ika-16 na Kongreso, sinabi ni Speaker Belmonte na kailangang bigyang-pansin ang mga panukalang batas upang matiyak ang malawakang kaunlaran at mapanatili ang mga reporma hinggil sa magandang nagawa sa nakalipas na apat na taon.
Ani Speaker Belmonte, 27 taon na ang nakalilipas matapos ipasa ang 1987 Constitutions, maraming mga probisyon ang kailangang maipatupad sapagkat wala pa ring mga implementing rules and regulations.
Kabilang sa mga prayoridad ang House Bill 3587 na nagbabawal sa pagkakaroon ng political dynasties na nakatakdang pagdebatehan. Ilan pa sa mga prayoridad ang Freedom of Information Law na naghihintay ng committee action, ang inaasahang pagpapapasa ng Bangsamoro Basic Law ayon sa itinatadhana ng Saligang Batas at ang panukalang pagsususog sa mapanupil na probisyon hinggil sa pagpasok ng mahahalanagang foreign investment sa mahahalagang sektor ng lipunan.
Kahilingan din ni Speaker Belmonte ang mga panukalang batas na naglalayong magkaroon ng mas kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mangangalakal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |