|
||||||||
|
||
Mga pamantasan at dalubhasaan ng pamahalaan, nararapat suriin ang mga palatuntunan
OBLIGASYON ng Commission on Higher Education na ipatupad ang palatuntunan nitong magsasara ng mga kursong iniaalok ng state colleges and universities na mahina ang performance sa mga pagsusulit ng Professional Board Examinations o PBEs.
Ito ang isa sa mga rekomendasyon ng "Review and Assessment of Programs Offered by State Universities and Colleges" na ginawa nina Dr. Rosario Manasan, senior research fellow at Danileen Kristel Parel, supervising research specialist ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS).
Ayon sa pagsusuri, nakababahala na mayroong mga pamantasan at dalubhasaan na nagtatamo ng zero passing rate sa maraming professional board exams mula 2004 hanggang 2011. Kung may nakakapasa man ay mababa sa national average passing rate sa bawat taon.
Mahina ang performance sa mga pagsusulit sa larangan ng pagsasaka, accountancy, criminology, electrical engineering. Electronics engineering, geodetic engineering, social work, elementary at secondary education, library science, forestry at environmental planning. Ang median passing rate para sa 38 pagsusulit mula 2004 hanggang 2011 ay mula sa 40 hanggang 48%.
Mula sa 38 PBEs, sampu lamang ang may average passing rates na mas mataas sa 60% at anim lamang ang nagkaroon ng passing rates na mas mataas sa 70%.
May pagakakahalintulad sa mga program offerings ng SUCs sa mga iniaalok ng private higher education institutions sa parehong pook na kanilang kinalalagyan. Nag-aalok ang mga SUC ng mga kursong wala sa kanilang nararapat i-alok base sa kanilang mga palatuntunan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |