|
||||||||
|
||
Israeli Ambassador, nagtapos na ng paglilingkod sa Pilipinas
NGAYONG araw na ito nagtatapos ang tatlong taong paglilingkod bilang Israeli Ambassador to the Philippines ni Ambassador Menashe Bar On.
Bago nakasama sa diplomatic community, naglingkod si Ambassador Bar On sa Israel Defense Forces mula 1966 hanggang 1969 at nagtapos ng Bachelor of Arts major in History of the Jewish People sa Hebrew University sa Jerusalem. Mayroon din siyang Master's Degree sa larangan ng Human Resource Management sa Middlesex University sa London.
Matatas na rin siyang magsalita ng wikang Pilipino at nakapagsasalita rin ng Ingles, Arabic, Spanish at Portuguese. Sa ilalim ng kanyang panunungkulan, napayabong niya ang Agrostudies program sa mga Filipin. Sa nakalipas na limang taon, higit sa 300 mga Filipino mula sa buong bansa ang ipinadala sa Israel para sa isang taong on-the-job training sa livestock, fishery at farming technologies. Ang kanilang natutuhan ay naibabahagi sa kanilang mga pamilya, paaralan at mga komunidad.
Noong humagupit si "Yolanda," pinamunuan ni Ambassador Bar On ang isang elite rescue team mula sa Israel Defense Force sa Bogo City sa Cebu at tumulong sa mga nasalanta, nagtayo ng isang mobile hospital at namigay ng gamot at tumulong sa pagtatayong muli ng mga paaralan at water filtration system.
Noong Martes, ginawaran siya ng parangal ni Kalihim Albert F. del Rosario sa pamamagitan ng Order of Sikatuna Award sa pagkilala sa kanyang mga nagawa upang higit na mapaglapit ang mga Filipino at mga Israeli nationals.
Hahalinhan si Ambassador Bar On ni Ambassador Ephraim Ben Matityahu na dating nakatalaga sa Vietnam at bilang consul general sa Australia.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |