Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malaking kawalan sa mga Filipino ang pagkapinsala ng tahanan

(GMT+08:00) 2014-08-04 18:14:58       CRI

MALAKING kawalan sa mga Filipinong naging biktima ni "Yolanda" ang mapinsala at 'di na mapakinabangan pa ang kanilang mga tahanan. Sinabi ni dating Civil Registrar General at Administrador ng National Statistics Office Carmelita N. Ericta sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat na mga 20% ng kanilang kinikita ang mawawala sa paghahanap ng matutuluyan, maging mga evacuation center o mga tahanan ng mga kamag-anak.

Ito ang dahilan kaya't mahalagang maibalik ang mga biktima sa mas ligtas na matitirhan sa pinakamadaling panahon.

Samantala sinabi naman ni G. Charlito S. Ayco, Managing Director at Chief Executive Officer the Habitat for Humanity sa Pilipinas na mayroon silang mga problemang kinakaharap sa pagtatayo ng mga maasahan at matitibay na tahanan. Sinabi ni G. Ayco na kahit mayroong mga nais mag-ambag sa pambili ng lupa, hindi basta mabibili ang lupa sapagkat karamihan sa mga ito ang mayroong mga tax declaration (at hindi titulo). Hindi naman papayag ang pamahalaan na gastusan ang pag-aayos ng mga lupain kung hindi ito pag-aari ng pamahalaan. Isang problema pa rin ang pagtaas ng halaga ng mga construction materials hanggang sa mga manggagawa na ngayo'y dumaraan sa bidding procedures.

Ipinaliwanag ni G. Ayco na mataas ang halaga ng mga manggagawa, mason, karpintero at iba pang mga sangkot sa patrabaho. Isang problema pa ang pagtaas ng halaga ng mga kagamitan sa pagtatayo ng mga tahanan sapagkat binago ng pamahalaan ang specifications upang makatugon sa malalakas na hanging dala ng bagyo at maging sa pagyanig ng lupa.

Sa pagtataas ng standards ng mga tahanan, kailangang magtaas na muli ng halaga ng bawat bahay na kanilang itatayo.

Para kay Bb. Gwen Pang ng Philippine Red Cross, mahalaga ring ikintal sa kaisipan ng mga mamamayan ang papel ng mga benepisyaryo upang mabuo ang pagtutulungan ng mga biktima. Marami na ring naipatayong mga tahanan ang Philippine Red Cross, dagdag pa ni Bb. Pang.

MGA BAGONG DISENYO NG TAHANAN, TINIYAK.  Binanggit ni Architect Luis Bacamante ng National Housing Authority (pangalawa mula sa kanan) na ang itatayong mga tahanan para sa mga biktima ni "Yolanda" ay nararapat manatiling nakatayo kahit pa umabot sa 250 kilometro bawat oras ang hangin at may pagyanig ng lupang aabot sa Intensity VIII.  Nasa larawan din sina Charlito S. Ayco, CEO ng Habitat for Humanity (dulong kaliwa), dating Civil Registrar General at Administrador ng National Statistics Office Carmelita N. Ericta (pangalawa mula sa kaliwa), Phil. Red Cross Secretary General Gwen Pang (pangatlo mula sa kanan) at Architect Marissa Maniquis (dulong kanan) ng NHA.

Para kina Architect Luis Bacamante at Marissa Maniquis, kailangang tumupad sa standards ng pamahalaan upang huwag manganib ang mga gusali at tahanang itatayo. Nararapat umanong maging matibay ang mga tahanan upang huwag ilipad ng bagyo ang kanilang mga bubungan. Nararapat ding nanatiling nakatauo ang mga kahit lumindol ng may Intensity 9. Ang mga pagsusuri sa mga disenyo ay obligasyon ng Department of Public Works and Highways.

Para kay G. Ayco, semento na ang kanilang ibububong sa mga tahanang itatayo. Idinagdag pa ni G. Ayco na malaking benepisyo ang paglalagak ng salapi sa pagpapabahay.

Ayon sa datos, ang problema sa pabahay ay umabot na sa apat na milyong pabahay (unit) mula 2001 hanggang 2011 ayon sa pagsusuri ng University of Asia and the Pacific.

Subalit ang bawat milyong-pisong investment sa pabahay ay magkakaroon ng paglago ng 3.32% sa ekonomiya at magdudulot ng ng 4.48% na trabaho at ang bawat pisong gugugulin sa sektor ay magiging dahilan ng 3.39% na indirect taxes at ang matatamong salapi ay direktang matutungo sa mga pamilya.

Idinagdag pa ni G. Ayco na pinasinayaan nila ang kanilang mga tahanan sa Daanbantayan, Cebu na magiging matibay sa harap ng bagyo at pagyanig ng lupa. Subalit hindi sila nagtagumpay na pagkasayahin ang salaping P 210,000 para sa row houses na may limang pinto sapagkat umabot ito sa P 290,000.

Sang-ayon si PRC Secretary General Pang sa pagkakaroon ng mas matitibay na tahanang mananatiling nakatayo sa mga bagyo at pagyanig ng lupa. Magtatayo sila ng may 6,000 "Storm Resilient" shelters sa pagtatapos ng taong ito. Mayroon silang tatlong-taong recovery road map upang mai-angat ang mga biktima ni Yolanda.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>