|
||||||||
|
||
Sandiganbayan, ipinasuspinde si Senador Bong Revilla at isang tauhan
NAG-UTOS ang Sandiganbayan First Division na masuspinde sa pagiging Senador si Senador Ramon "Bong' Revilla, Jr. at ang kanyang tauhang si Atty. Richard Cambe sa loob ng 90 araw dahilan sa usaping may kinalaman sa P 10 bilyong pork barrel scam.
Ayon sa kautusan ng hukuman, ang mga akusadong sina Revilla at Cambe na may posisyon bilang Senador at Director III sa tanggapan ng akusadong mambabatas. Ito ang napapaloob sa tatlong pahinang resolusyon na inilabas ngayon.
Nilagdaan ito nina First Division Chairperson Associate Justice Efren dela Cruz, Associate Justice Rodolfo Ponferrada at Associate Justice Rafael Lagos.
Nananatiling detinido sa piitan sa PNP Main headquarters, si Senador Revilla ay akusado ng pagtanggap ng P224.5 milyong kickback mula 2006 hanggang 2010 mula sa sinasbaing utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Nahaharap sa kasong plunder sina Revilla at Cambe. Detenido rin si Cambe sa PNP Custodial Center.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |