Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malaking kawalan sa mga Filipino ang pagkapinsala ng tahanan

(GMT+08:00) 2014-08-04 18:14:58       CRI

Karamihan ng mga Filipino sa Libya, nais manatili sa magulong bansa

MAS maraming mga Filipino ang nagnanais manatili sa Libya at patuloy na magtrabaho kahit pa may napipintong mga panganib sa kanila. Ito ang sinabi ni Assistant Secretary Charles Jose na mula sa 13,000 mga Filipino sa magulong bansa, aabot lamang sa higit sa800 katao ang nakauwi sa Pilipinas samantalang may 200 nas Embahada ng Pilipinas sa Tripoli ang naghihintay ng repatriation.

Sa isang mensaheng mula kay Asst. Secretary Charles Jose, karamihan sa mga Filipino sa Libya ay nagnanais manatili sa bansa dahilan sa kanilang mga hanapbuhay. Mas malaki umano ang pagkakataong mabuhay sa Libya na may digmaan sapagkat nangangamba silang walang matatamong hanapbuhay sa Pilipinas kung sakaling umuwi sila.

Hindi na makontrol ng pamahalaan at militar ang sagupaan sa pagitan ng dalawang armadong grupo sa nakalipas na tatlong linggo. Karamihan sa mga bansa sa kanlurang bahagi ng daigdig ang nagpauwi na ng kanilang mga tauhan sa iba't ibang embahada matapos magsagupaan na Tripoli at sa Lungsod ng Benghazi. Nangangamba na sila na mauuwi na sa digmaan ng magkakalahi matapos mapatalsik si Muammar Gaddafi.

Karamihan ng mga Filipino sa Libya ay mga propesyunal sa malalaking kumpanya ng petrolyo, konstruksyon, at mga pagamutan. Ani G. Jose, mas gusto na nilang hawakan ang kanilang mga trabaho kaysa umuwi ng Piipinas kahit pa mayroong deployment ban sa bansa may dalawang buwan na ang nakalilipas.

Ipinaliwanag pa ni Asst. Sec. Jose na noong itaas ang Alert Level sa ikatlong bahagdan, sinabi ng mga manggagawa na tahimik naman at ligtas sila sa Libya. Naniniwala ang mga manggagawa na ligtas sila sa Libya at kung sakaling umuwi ay walang mapapasukang trabaho sa Pilipinas.

May sisenta porsiyento ng mga naglilingkod sa mga pagamutan ay mga Filipino at kung daglian silang aalis, wala nang magpapatakbo ng mga pagamutan.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>