|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, nagbabala sa mga palsipikadong "reformists"
SA pagtitipon ng mga nagpoprotesta laban sa prok barrel system sa ilalim ng Aquino Administation, nagbabala si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa mga mamamayan na huwag makukumbinse ng mga palsipikadong "reformists."
Ginawa niya ang pagbababala sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng "National Heroes Day" sa Taguig City laban sa mga taong nagsisimula ng pagkakalat ng pagdududa sa kanyang liderato.
Kailangan umanong maging mapangmatyag sa mga naghahasik ng pagdududa at nagpapanggap na nagsusulong ng reporma.
Determinado umano ang ilang mga tao na ibalik ang panahon ng pangungulimbat sa pamahalaan. Puspusan umano ang mangilan-ngilang mga mamamayan na ibalik ang dating sistema ng pangungulimbat.
Ginawa niya ang pahayag kasabay ng pagtitipon ng mga mamamayang nananawagan na alisin na ang lahat ng discretionary funds sa pambansang budget.
Nagsimula ng lumagda ang mga dumalo sa people's initiative laban sa pork barrel system sa Quirino Grandstand kanina. Magugunitang noong nakalipas na taon, nagsama-sama ang mga mamamayan sa pagkondena sa PDAF na naunang idineklarang taliwas sa Saligang Batas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |