Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Albay at Lungsod ng Legazpi, handa sa anumang pagkilos ng bulkang Mayon

(GMT+08:00) 2014-08-25 18:40:11       CRI

Tapatan sa Aristocrat: Batas sa PDAF at DAP maaaring mabago

Naniniwala si UP Professor at Vice Chairman ng CenPEG Rolando Simbulan na maaaring magkaroon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) sa ibang pangalan sa oras na pagkasunduan ng mga mambabatas sa senado't kongreso na magpanday ng panibagong batas.

Poder umano ng mga mambabatas na magpatawag ng mga pagdinig sa anumang panukalang batas, tulad halimbawa ng pagkilala sa kahulugan ng PDAF at DAP. Ipinaliwanag pa ni Professor Simbulan na hawak ni Pangulong Aquino ang mga senador at kongresista kaya't mabilis pa sa alas kwatro na mapapanday ng panukalang batas na nananaisin ng ehekutibo.

Malaking utang na loob ng mga mambabatas, partikular sa kanilang distrito na magkaroon ng mga proyekto sapagkat maglalagay ng mga billboard at tarpaulin na nagpapatunay na mayroong mga proyekto ang mga mambabatas.

Ani Professor Simbulan, sa mga panahong nalalapit sa halalan, maganda ang dating sa mga mamamayan kung mayroong mga proyektong ipinagagawa na suportado rin ng Malacanang.

Isang magandang pagkakataon ang nagaganap sa Korte Suprema sapagkat nagpapakita ng "constitutional independence" ang mga mahistrado kaya't tiyak na babantayan nila ang mga magaganap sa bansa.

Para kay Arsobispo Oscar V. Cruz, ang isang taong mahirap ay walang anumang kalayaan sapagka't maghihintay na lamang siya ng iaabot ng isang politiko bago sumapit ang halalan.

Dumalo na umano siya sa pagtitipon sa Luneta bago dumaan sa "Tapatan sa Aristocrat" at nagtanong siya kung marami bang pumapaboy sa mga nagaganap sa lipunang Filipino. Sa naganap na pagtitipon sa Luneta, nagsimula ang mga organizer na magpalagda sa mga mamamayang 'di pabor sa pagkakaroon ng PDAF at DAP sa pamahalaan. Gagawin nila ang panukalang batas sa pamamagitan ng "people's initiative" o pagpapasa ng batas sa pamamagitan ng people's participation.

Bagaman, may kautusan at procedure na ipinatutupad baka sakaling hindi magtagumpay ang pagkilos sa pagkakaroon ng mga lumagdang hindi matatagpuan sa kanilang itinalang pook na tinitirhan.

Kahit pa umano maraming pumabor sa panukalang batas, baka hindi rin magtagumpay ang pagbibilang sapagkat malaki ang posibilidad na hindi mabilang ng tunay ang sagot ng mga mamamayan.

Samantala, nanawagan din ang arsobispo na napapahahon na palitan ang mga nangangasiwa sa Commission on Elections sapagkat hindi maikakaila na nagkaroon ng mga kaduda-dudang election results mula noong 2010 at maging sa taong 2013.

Para kay Junep Ocampo, convenor ng EdSA Tayo at Oplan Hatid, maraming magagawa ang mga mamamayan upang makalahok sa mga talakayan at pag-uusap. Kailangan din ang masusing pag-susuri sa mga nagaganap ngayon. Ipinaliwanag pa niya hindi sasapat ang mga rally sa mga lansangan at iba pang pagkilos. Mas makabubuting magkaroon ng "follow-through" hanggang sa mga barangay upang manatiling buhay ang mga isyu sa kabatiran ng madla," Dadag pa ni G. Ocampo.


1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>