Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

May trabaho sa Pilipinas, bihira lang ang kwalipikado

(GMT+08:00) 2014-09-08 17:53:57       CRI

May trabaho sa Pilipinas, bihira lang ang kwalipikado

ISANG malaking problema para sa bansa ang pagkakaroon ng mga kwalipikadong nakapagtapos ng kolehiyo upang matanggap ng mga bahay kalakal sa Pilipinas. Ito ang lumabas sa pagsusuri at mga pananaw ng mga panauhin sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.

MARAMING TRABAHO, KULANG ANG KWALIPIKADO.  Sa Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Ms. Lucy Tarriela ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na maraming trabahong naghihintay sa mga nagtapos ng kolehiyo.  Ang problema ay kulang sa paghahanda sa trabaho.  Kung din ang analytical thinking, dagdag pa niya. (Romar Fernando/Areopagus)

Ayon kay Lucy Tarriela ng Employers Confederation of the Philippines, maraming graduates na hindi kwalipikado sa mga trabahong kailangan ng bansa. Inihalimbawa niya ang kakulangan ng analytical thinking sapagkat pawang madali na ang research at pinapayagan ng mga guro ang "copy – paste mentality".

Ikinalungkot naman ni Julius Cainglet ng Federation of Free Workers na marami ngang trabaho subalit hindi naman nagtatagal sapagkat karamihan ay mga manggagawang nakakontrata ng limang buwan. Iminungkahi ni Dr. Aniceto Orbeta, Jr., isang senior research fellow ng Philippine Institute for Development Studies na mas magiging epektibo ang mga manggagawa kahit kontratado sa loob ng limang buwan kung babalikatin ng pamahalaan ang ibang bahagi ng pinagkakagastusan ng employers tulad ng health, social at housing benefits.

Sinabi ni Dr. Jose Ramon Albert, ang dating secretary general ng National Statistical Coordination Board at ngayo'y senior research fellow ng Philippine Institute for Development Studies maliit na bahagi lamang ng ekonomiya ang nagmumula sa agrikultura, nagmula sa 15.4% noong 1990 at umanot mna lamang sa 11.2% noong 2013. Lumago ang services at industry sectors. Kahit noong 1946, umabot sa 29.7% ang laki ng agrikultura, 22.6% ang industry at mayroong 47.7% para sa services sector.

Ang employment sa agriculture sector ay 45.2% noong 1990 at bumaba sa 31.0% noong 2013. Lumago ang services mula sa 39.7% noong 1990 at ngayon ay 53.4%. Ang industriya ay 15.0% noong 1990 at hanggang sa matamo ang 15.6% noong 2013.

Ipinaliwanag pa ni Dr. Albert na sa paglago ng ekonomiya, lumago ang full-time employment maliban sa taong 2012. Kakaiba ang direksyon ng paglago at pag-unlad ng part-time employment sa ekonomiya maliban sa taong 2008.

KAILANGANG PAGHANDAAN ANG ASEAN.  Ayon kay Ma. Lourdes Macapanpan, program officer ng International Labor Organization, nararapat maghanda ang Pilipinassa ASEAN Economic integration na magsisimula sa Enero 1, 2016.  Hindi lahat ay mapagwawagian ng Pilipinas, dagdag pa niya. (Romar Fernando/Areopagus)

Para kay Ma. Lourdes Macapanpan, program officer ng International Labor Organization sa Maynila, may mga makikinabang sa pagsasama-sama ng mga bansa sa ASEAN bilang isang economic community sa unang araw ng Enero ng 2016. Hindi makaka-asa ang Pilipinas na magwawagi sa lahat bagay sa larangan ng paggawa sapagkat mayroon ding kakaibang lakas ang mga kalapit-bansa sa ASEAN. Tumanggi siyang kilalanin ang winners and losers sapagkat magkakaroon ng pormal na paglulunsad ng kanilang pag-aaral sa International Labor Organization at maging sa Asian Development Bank sa darating na Miyerkoles, ika-24 ng Setyembre.

Sa panig ni Sonny Africa, Executive Director ng Ibon Foundation, ikinatutuwa nilang binanggit na ng ADB na ang industrialization ang susi sa kaunlaran ng bansa. Idinagdag pa niyang ang susi ay ang pagyayaman ng mga bukirin upang magkaroon ng kita ang mga magsasaka, ang mas marami sa lipunang Pilipino.

Hindi mahalaga kung mga gawa sa ibang bansa ang papasok sa pamilihan ng Pilipinas sapagkat mas mura ito. Ang mahalaga ay may salapi ang mga Filipino upang makabili ng murang bilihin sa pamilihan.

TULOY ANG PAGKUHA NG PAMAHALAAN NG NURSES.  Ito naman ang binigyang-diin ni Dr. Ruben Siapno ng Department of Health.  Mas malaki ang incentives sa mga  nurses na maglilingkod sa malalayong pook, dagdag pa niya. (Romar Fernando/Areopagus)

Pinag-iibayo ng Kagawaran ng Kalusugan ang palatuntunang makakuha ng nurses na maglilingkod sa malalayong pook. Pinabulaanan din niyang nagdadalawang-isip ang pamahalaan sa programang ito sapagkat nabalitang may mga napapaslang, nahahalay at kung minsan ay nagdadalang-tao dahilan sa mga punong-bayan na namumuno sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>