Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

May trabaho sa Pilipinas, bihira lang ang kwalipikado

(GMT+08:00) 2014-09-08 17:53:57       CRI

Maraming Filipino ang nanganganib magpatiwakal

MGA OBISPO, NABABAHALA SA MGA KABATAANG NAGPAPATIWAKAL.  Isang pagpupulong ang pinamunuan nina Bishop Elenito Galido at Leopoldo Jaucian sanhi ng mga balitang maraming mga kabataan ang nagpapatiwakal dahilan sa mga problema sa kanilang pagkatao, pamilya at pressure sa pang-araw-araw na buhay.  Naghahanap umano ang mga kabataan ng kahulugan ng buhay.  (Melo M. Acuna)

NABABAHALA ang Episcopal Commission on Culture sa pamumuno ni Iligan Bishop Elenito Galido na maraming mga kabataan ang nanganganib magpatiwakal kung hindi madadaluhan ang kanilang pangangailangan. Ito ang dahilan kaya't nagdaos ang kanyang komisyon ng dalawang araw na pagpupulong sa Santuario de San Antonio noong nakalipas na Biyernes at Sabado.

Sa isang panayam, sinabi ni Bishop Galido na ito ang lumalabas na trend sapagkat nagkaroon na naman ng isang tanyag na taong nagpatiwakal sa katauhan ni Robin Williams. Napapanahon ang kanilang pagtitipon sapagkat maraming naririnig na mga balita sa mga parokya at mga paaralan na dumadalas ang pagpapatiwakal.

Inamin ni Bishop Galido na bagama't walang klarong statistics, napapag-usapang personal ang dahilan ng pagpapatiwakal dahilan sa posibleng pressure mula sa pamilya, mga kaibigan at iba pang sektor na nagiging dahilan ng severe depression.

Wala umanong maliwanag na pinagkukunan ng suporta o tulong upang mapigilan ang pagpapatiwakal at isang hakbang ang kanilang ginawa upang mamulat ang lahat sa katotohang nagaganap. Kailangan ng pag-unawa at maibsan ang mga pangyayaring ito.

Sa panig naman ni Bangued Bishop Leopoldo Jaucian, SVD, chairman ng Episcopal Commission on Youth, may mga nagpapatiwakal sa kanilang paghahanap ng kanilang pagkatao, paghahanap ng kahulugan sa buhay at walang mabalingan upang mahingahan ng kanilang dinaranas na kahirapan.

Ani Bishop Jaucian, ang mga kabataan ang nanganganib na magpatiwakal. Mahalaga umano sa Simbahang pakilusin ang mga parokya at mga paaralan upang daluhan ang pangangailangan ng payo ng mga kabataan.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>