|
||||||||
|
||
Senate President Franklin Drilon: Trabaho pa rin ang Senado
TULOY PA RIN ANG TRABAHO NG SENADO. Nililiwag ng Senado na iba ang usapin ng mga mambabatas na akusado sa Sandiganbayan sa Senado bilang institusyon. Ito ang pahayag ni Senate President Franklin M. Drilon sa panayam ng CCTV at CRI sa kanyang tanggapan kanina. (Melo M. Acuna)
INAMIN ni Senate President Franklin M. Drilon na nasira ang pagkakilala ng mga mamamayan sa Senado dahilan sa pagkakapiit at pagkakasangkot ng ilang mga senador sa kontrobersyang nauwi sa kanilang pagkakapiit.
Sa isang exclusive interview ng mga mamamahayag na Tsino mula sa China Central Television at China Radio International, sinabi ni Senador Drilon na nililiwanag nilang iba ang usapin ng mga senador bilang mga indibiduwal at ng senado bilang isang institutsyon. Nakikita naman ng madla na tuloy pa rin ang trabaho ng Senado.
Sa mga araw na ito ay nakatuon sila sa pambansang budget sa 2015 at ang pagsusuri at pag-aaral sa Bangsamoro Basic Law.
Ani Senador Drilon, tuloy lang ang kanilang trabaho.
Sa larangan ng Priority Development Assistance Fund o PDAF at ng Disbursement Acceleration Program, kahit pa nagkaroon ng problema sa pagpapatupad, nakatulong din naman ang mga pondong ito sa Gross Domestic Product ng Pilipinas sa paglawak ng ekonomiya ng may 1.3%.
Ipinaliwanag pa ni Senador Drilon na ginawa ang DAP upang pasiglahin ang ekonomiya ng Pilipinas at noon pa man ay mayroong nang flexibility ang pangulo ng bansa sa paggamit nito upang lumaki ang expenditures ng pamahalaan.
Nanatiling isang malaking hamon para sa pamahalaan na palawakin ang biyayang dulot ng kaunlaran sa ekonomiya. Layunin ng pamahalaan, ani Senador Drilon na pag-ibayuhin ang yamang mula sa sektor ng pagsasaka lalo pa't nasa sektor na ito ang pinakamaraming mahihirap.
Sa larangan ng relasyong namamagitan sa Pilipinas at Tsina, sinabi ni Senador Drilon na nararapat pa ring ipagpatuloy ang pag-uusap ng dalawang bansa nang may pagkilala sa batas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |