|
||||||||
|
||
Pangangailangan sa kuryente, magpapatuloy pa sa Asia; Tsina, nangunguna sa Solar Power Development
MATAGUMPAY ANG TSINA SA SOLAR POWER. Ito ang sinabi ng dalubhasang si Anthony Jude sa pagpupulong ng mga mamamahayag sa ADB. May 12,300 MegaWatts ang nai-ambag ng solar power sa supply ng kuryente sa Tsina. (ADB Photo)
SA paglago ng ekonomiya sa Asia, higit na mangangailangan ang rehiyon ng pagkukunan ng kuryente.
Ito ang sinabi ni Anthony Jude, senior advisor sa larangan ng Regional and Sustainable Development at Practice Leader sa larangan ng Energy ng Asian Development Fund sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag ng Asia-Pacific Region sa ADB.
Pinakamalaking hamon kung saan makukuha ang kuryenteng kailangan ng mga pagawaan, malalaking bahay-kalakal at mga tahanan. Kailangang magkaroon ng karagdagang mapagkukunan ng kuryente na makakayang bayaran ng mga electric power consumer sapagkat kung hindi masasagot ang pangangailangan, malaki ang posibilidad na maudlot ang kaunlarang natatamo ng rehiyon
Sa bawat pagtaas ng halaga ng kuryente, ipapasa ito sa electric power consumers.
Samantala, sinabi ni G. Jude na maganda ang nagawa ng Tsina sa larangan ng solar power sa pagdaragdang ng may 12,300 megawatts sa electric grid noong nakalipas na taon.
Kapuri-puri ang pangyayaring ito sapagkat malaki ang magagawa ng mai-aambag na kuryente ng nagmula sa solar power. Mayroon na ring wind generators na itinayo ang Tsina subalit may problema sa pagpasok ng kuryente sa grid.
Malaki rin ang pagbabagong magaganap sa pangako ng Tsina na bawasan ang greenhouse gas emissions ng may 35 hanggang 40% sa taong 2020. Nangako rin ang India na magababawas ng kanilang greenhouse gas emission ng may 22 hanggang 25% at ang Indonesia ay nangakong magbabawas ng 26 hanggang 41% sa pagtatapos ng 2020.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |