|
||||||||
|
||
Mambabatas, nagbabala sa mga mamamayan hinggil sa mga contraceptive
BINALAAN ni Buhay Party List Congressman Joselito Atienza ang mga mamamayan sa mga gamot na ipagbibili sa pagpapatupad ng Reproductive Health Law kung walang anumang approval ng Food and Drug Administration (FDA).
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ng mambabatas ng kung ipatutupad ang pagbebenta ng mga contraceptives ng walang pagpasa sa pagsusuri ng FDA, lalabag ang pamahalaan sa mga alituntuning nararapat igalang.
Ani G. Atienza, wala nan gang Implementing Rules and Regulations at wala pang pagpasa ng mga gamot sa FDA, aktibong namamahagi na ang Kagawaran ng Kalusugan ng mga contraceptive drugs.
Ani Congressman Atienza, isinusulong nila ang Norplant at Dep-Provera na magiging dahilan ng pagkabaog at maaring kamatayan. Hinamon niya ang Department of Health na maging responsable sa anumang patutunguhan ng kanilang promosyon ng drogang hindi nakapasa sa FDA.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |