|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
May ginagawang hakbang ang pamahalaan para sa mga overseas Filipinos
NANINDIGAN si Pangulong Aquino na mayroong ginagawa ang pamahalaan upang maipagtanggol ang karapatan ng mga manggagawa sa iba't ibang bansa. May imbentaryong ginawa ang pamahalaan sa tatlong bansang kinaroroonan ng mga Filipino sa harap ng panganib na dulot ng ebola virus. Umabot na umano sa 1,200 Filipino ang kanilang nabibilang.
Sa kalagayan ng mga manggagawa sa Gitnang Silangan, may mga kasunduan ng nilagdaan ang Department of Labor and Employment upang maipagsanggalang ng mga manggagawa lalo't may nabalitang mga pagmamalupit ang ilang mga amo sa Middle East.
Binanggit niya ang pagdalaw ng prime minister ng Bahrain na nagpaabot ng paanyaya na dalawin ang kanilang bansa upang makita ang mga pagbabago sa kalagayan ng mga manggagawa. Pinuri niya si Kalihim Rosalinda Baldoz na patuloy na naglilingkod sa kabutihan ng mga Filipino sa iba't ibang bansa.
Sa Libya, ani Pangulong Aquino, may 20,000 mula sa 26,000 mga Filipino ang nakauwi sa Pilipinas.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |