|
||||||||
|
||
20141031meloreport.mp3
|
ANG sinasabing katipan ni Jeffrey "Jennifer" Laude, si March Sueselbeck, ay nakatakdang umalis bukas, dalawang araw matapos maglabas ng deportation order ang Bureau of Immigration laban sa kanya.
Kumpirmado ni Atty. Harry Roque ang impormasyon sa mga naganap na panayam sa kanya ng mga mamamahayag.
Ayon kay Atty. Roque, ang Aleman ay magsasagawa ng isang press conference sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 bago sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas. Hahanap pa sila ng ibang legal na paraan upang makabalik sa bansa si Sueselbeck.
Naunang sinabi ni Atty. Roque na kailangang makaalis kaagad ni Sueselbeck sa pangambang mapatalsik sa kanyang trabaho. Nakatakda sana siyang umalis noong Lunes subalit pinagbawalan ng Bureau of Immigration sapagkat may nakabimbing reklamo laban sa kanya.
Dumating sa Maynila si Sueselbeck noong ika-20 ng Oktubre upang magbigay-galang sa kanyang kasintahan.
Noong Huwebes, naglabas ng kautusan ang Immigration na nagsasabing makalalabas na ng bansa ang Aleman subalit 'di na papayagang makabalik pa. Humiling ang Aleman na mapasailalim sa voluntary deportation.
Inireklamo siya ng Armed Forces of the Philippines sa ginawa niyang pag-akyat sa bakod at panunulak sa isang kawal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |