![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Opisyal ng United Nations Development Programme, dadalaw
DARATING sa Pilipinas si G. Haoliang Xu, ang Assistant Administrator at Regional Director ng Asia and the Pacific ng United Nations Development Program sa Martes para sa siyam na araw na pagdalaw dala ang mensahe ng pakikiisa ng United Nations sa recovery program para sa mga nasalanta ni "Yolanda" at sa magaganap na pagbabago sa ilalim ng autonomous Bangsamoro government sa Mindanao.
Ayon sa pahayag ng kanilang tanggapan, palalakasin ni G. Xu ang pakikipagtulungan sa pamahalaan, diplomatic corps, civil society at mga komunidad. Kasama sa mga paksa ang peacebuilding, political transition, resilience at recovery sa kanyang pakikipag-usap kina (Social Welfare and Development) Secretary Corazon Juliano Soliman, (Economic Planning) Secretary Arsenio M. Balisacan, (Foreign Affairs) Secretary Albert F. del Rosario, acting Trade and Industry Secretary Zenaida Maglaya at Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery Panfilo Lacson.
Maglalakbay si G. Xu sa Tacloban, Palo at Basey upang makita ang nagaganap sa mga binagyong pook. Dadalo siya sa mga palatuntunan ng pag-gunita at makikipag-usap sa mga naging biktima.
Nakatakda rin siyang dumalaw sa Davao City upang sumaksi sa paglagda sa US$ 3 milyong proyekto para sa mga Bangsamoro na may pondong nagmula sa UN Peace Building Fund. Dadalo rin sa Philippine Development forum on the Bangsamoro at makakausap sina Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos-Deles, Kalihim Balisacan, Budget Secretary Florencio Abad at mga civil society at private sector leaders hinggil sa Bangsamoro Development Plan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |