|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kalihim Singson, handang magbitiw sa oras na mapatunayang nakinabang sa proyekto
HANDANG magbitiw si Kalihim Rogelio Singson mula sa Department of Public Works and Highways sa oras na mapatunayang nakinabang sa proyekto sa Iloilo.
Sa kanyang pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kaninang umaga, sinabi ni G. Singson na tinanggap niya ang posisyon hindi upang magpayaman at makinabang o masangkot sa politika.
Idinagdag pa niya na tinanggap niya ang posisyon na nakababatid ng mga panganib at sakripisyo. Kung mapapatunayang kumita siya sa Iloilo Convention Center handa siyang magbitiw agad sa puesto. Kabilang siya sa mga akusado ng plunder dahilan sa proyekto kasama sina Senate President Franklin M. Drilon at ilan pang tauhan ng pamahalaan.
Tumanggi sina Senador Franklin M. Drilon at Secretary Singson sa mga akusasyon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |