|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga ginawa ng Presidential Commission on Good Government, ipinasisiyasat
HINILING ni Congressman Jonathan A. Dela Cruz na siyasatin ang ginagawa ng Presidential Commission on Good Government. Matagal na umanong nabuo ang PCGG at nararapat lamang mabatid ng lahat ang katotohanan.
Isang resolusyon ang inihain ni Congressman Dela Cruz, ang House Resolution 1599 na nagaatas sa Committees on Good Government at Public Accountability and Justice na alamin ang nabalitang iregularidad at ma-anomalyang operasyon ng PCGG.
Binuo ang PCGG noong 1986 ng Revolutionary Government ni Pangulong Corazon C. Aquino na bawiin naman ang sinasabing ill-gotten wealth ng napatalsik na Pangulong Ferdinand Marcos at mga kasama. Layunin ng PCGG na magamit ang salaping malilikom sa pagpapatakbo ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Anang mambabatas, sa tinagal-tagal ng ahensya, walang malaking nagawa ang PCGG sa pagtupad sa obligasyon nito, ayon na rin sa mga usaping ipinarating laban sa mga opisyal at ahente ng iba't ibang grupo para sa labag sa batas, abusado at 'di propesyunal na gawi.
Ayon pa rin sa resolusyon, naging pabaya ang PCGG sa pagkwenta ng salaping ginamit sa paglilitis at mga consultant sa Estados Unidos, Switzerland at Singapore.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |