Pagdinig ng Senado sa EDCA, gagawin sa Lunes
PAMUMUNUAN ni Senador Miriam Defensor Santiago, chairperson ng Senate Foreign Relations Committee ang isang public hearing hinggil sa Enhance Defense Cooperation Agreement. Gagawin ito sa Lunes upang mabatid kung sasang-ayunan ng Senado ang kasunduan. Ilang mga tanong ang nararapat masagot sa pagdinig at nais marinig ang iba't ibang panig kung kailangan bang sang-ayunan ng Senado ang EDCA. Kailangan ba ang EDCA? May pakinabang ba ang Pilipinas sa EDCA? Praktikal pa ang kasunduang ito?
Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Santiago na maliwanag sa Sections 1 at 2 ng Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation ang magagamit sa pagpapatawag ng hearing sa kontrobersyal na kasunduan.
Nanindigan si Senador Santiago na hindi komo may usapin nang nagtatanong hinggil sa constitutionality ng EDCA ang nakarating na sa Korte Suprema ay hindi na sila makakapagpatawag pa ng pagdinig.
1 2 3 4 5