|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pagtaas ng remittance fees, nakasasama sa overseas Pinoys
TUMAAS ang singil sa ipinadadalang salapi pauwi sa Pilipinas ng mga nangibang-bansa, partikular sa Estados Unidos sa pagsasara ng remittance business ng malalaking bangko.
Ayon kay Congressman Rufus B. Rodriguez ng Cagayan de Oro City, kailangang alamin ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang situwasyon sa pamamagitan ng paganyaya sa mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of finance at iba pang mga ahensyang makapagbibigay linaw sa mga isyu.
Idinagdag ng mambabatas na may pagsasabwatan ang ilang mga bangko sa money laundering scheme na kinasasangkutan ng drug lords at terrorist groups kaya't isinara ang remittance business ng mga bangko.
Sa kanyang House Bill 1595, ipinaliwanag ng mambabatas na mas mahirap at mas mahal para sa overseas Filipinos na magpadala ng pera pabalik sa Pilipinas.
Pinagmulta umano ang Hongkong Shanghai Banking Corporation ng may US$ 1.9 bilyon ng hukuman sa hindi pagpapatupad ng anti-money laundering law. Napatunayan umanong nagkasala ang HSBC ng pagpapahintulot sa drug lords at terrorist groups na maglustay ng milyong dolyar sa pamamagitan ng mga subsidiaries at nakapaglabas ng milyon-milyong dolyar sa mga bansang hindi tumatalima sa batas.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |