|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga bagong kalakal, kailangan para sa mga manggagawa
NANINIWALA si House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. na dapat magtulungan ang pamahalaan at daigdig ng kalakal upang magkaroon ng dagdag na trabaho para sa lumalaking bilang ng mga manggagawa sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa ika-limang House of Representatives and Joint Foreign Chambers of Commerce/Philippine Business Groups kahapon, sinabi ni Speaker Belmonte na sa ilalim ni Pangulong Aquino, gumanda ang performance ng ekonomiya ng bansa sapagkat natamo ang 6.8% growth sa Gross Domestic Product noong 2012 at 7.2% noong 2013 kahit pa magkakasunod ang trahedyang tumama sa bansa.
Subalit marami pa ring nararapat gawin upang makatugon sa pangangailangan ng lipunan. Ang GDP per capita noong 2013 ay umabot sa US$ 2,587 samantalang mayroong US$3,475 and Indonesia, US$5,779 ang Thailand at ang Malaysia ay nagkaroon ng US$ 10,514. Sa datos mismo ng pamahalaan, mayroong 7.1% o 2.8 milyong mga Filipino ang walang hanapbuhay samantalang mayroong 18.7% naman o 7 milyong Filipino ang underemployed.
Kabilang sa mga pinapanday na batas ang tungkol sa pagsusog sa Bangko Sentral ng Pilipinas charter, Rationalization of Fiscal Incentives. Tax Incentives Management and Transparency Act, Customs Modernization and Tariff Act, ang Rationalization of Mining Revenues at iba pa.
Gagawin ng pamahalaan anglahat upang higit na madagdagan pa ang kalakal sa bansa na mangangailangan ng mga manggagawa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |