|
||||||||
|
||
20141229Melo
|
SINABI ni Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na handa ang pamahalaan sa pagdating na Pope Francis sa ika-15 ng Enero. Hindi lamang isang state visit ang magaganap sapagkat bibigyan ng kaukulang halaga ang pagiging pinuno ng simbahang Katolika.
Sa isang press briefing na pinamunuan din ni Pasig Bishop Mylo Hubert C. Vergara, sinabi ni Secretary Coloma na bukod sa pagsalubong ni Pangulong Aquino kay Pope Francis sa Villamor Air Base, tatanggapin din siya sa Palasyo Malacanang at bibigyan ng kaukulang formal reception. (sa Malacañang)
WALANG PAG-UUSAP SA LARANGAN NG POLITIKA. Ito ang sinabi ni Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. (pangalawa mula sa kaliwa) sa isang press briefing sa Knights of Columbus Media Center kanina. Dumalo rin ang iba't ibang opisyal ng pamahalaan at simbahan sa pagpupulong. Nasa Kaliwa si Fr. Francis Lucas ng Catholic Media Network. (Melo M. Acuna)
Darating si Pope Francis sa ganap na ika-siyam ng umaga at mananatili hanggang sa ganap na 10:45 ng umaga. Bukod sa military honors, lalagda sa Malacanang Guest Book ang Santo Papa at magkakaroon ng maikling bilateral meeting.
Haharap din sila sa mga mamamahayag. Wala umanong handang talumpati si Pangulong Aquino sapagkat magsasalita siya mula sa kanyang puso.
Nagsimula ang diplomatic relations ng Pilipinas at Vatican City noong panahon ni Pangulong Elpidio Quirino noong dekada singkwenta.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |