|
||||||||
|
||
Salaping may lumang disenyo, papalitan na
MAGSISIMULA na ang demonetization o pagpapawalang-halaga sa mga salaping papel na saklaw ng New Design Series ayon sa batas na lumikha sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon sa batas, kapangyarihan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na palitan ang salaping papel na nasa sirkulasyon ng humigit kumulang sa limang taon. Ang sirkulasyon ng New Design Series ay umabot na sa halos 30 taon.
Maaari pang gamitin ang salaping saklaw ng New Design Series hanggang sa suling araw ng Disyembre ng 2015 bilang kabayaran sa mga bagay, serbiyo at anumang uri ng pangangalakal. Pagkatapos ng takdang petsa, hindi na ito maaaring tanggaping pambayad.
Mula sa unang araw ng Enero ng 2015 hanggang ika-31 ng Disyembre ng 2016, ang salaping saklaw ng New Design Series ay maaaring palitan ng salaping New Generation Currency sa mga bangko, maging universal, commercial thrift, rural at cooperative banks. Tatanggapin din ang salaping ito sa iba't ibang sangay ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon sa pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga sangay ng pamahalaang may hawak ng New Design Series na hindi maipapalit sa loob ng takdang panahon, tulad ng salaping gamit bilang ebidensya sa hukuman, ay dapat makipag-ugnayan sa Bangko Sentral ng Pilipinas bago lumipas ang takdang araw ng palitan upang maitakda ang panahon ng pagpapalit.
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng balita, ang mga Filipino sa ibang bansa na may New Design Series ay dapat magpatala "online" sa BSP website mula Oktubre ng 2015 hanggang ika-31 ng Disyembre 2015 upang mabigyan sila ng pagkakataong mapalitan sa BSP ang kanilang hawak na lumang salapi. Ang pagpapalit ng kanilang New Design Series ay pinapayagan sa loob ng isang taon mula sa araw ng pagpapatala sa BSP website.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |