Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Handa ang pamahalaan sa pagdalaw ni Pope Francis

(GMT+08:00) 2014-12-29 18:16:10       CRI

Pagkikita ni Pangulong Aquino at Pope Francis, walang politika

PUNO ANG MEDIA CENTER NG MGA MAMAMAHAYAG.  Patuloy na nagtatanong ang mga mamamahayag sa magiging paksa ng pag-uusap nina Pangulong Aquino at Pope Francis sa darating na Enero 16.  Mga paksang malalapit sa kani-kanilang puso ang pag-uusapan, dagdag pa ni Secretary Sonny Coloma, Jr. (Melo M. Acuna)

SA pagdalaw ni Pope Francis sa Malacanang sa ika-16 ng Enero, walang anumang pag-uusap hinggil sa politika. Sa press briefing kanina, sinabi ni Fr. Lito Jopson, maaaring tumagal ang pagkikita nina Pangulong Aquino at Pope Francis higit sa isang oras at kalahati.

Bagaman, sinabi ni Secretary Herminio Coloma, Jr. na posibleng pag-usapan ng dalawang pinuno ang tinaguriang "state matters." May oportunidad silang mag-usap hinggil sa mga isyung malalapit sa kanilang puso kahit pa malayo ang mga paksang ito sa politika.

Tampok din sa pagdalaw ni Pope Francis ang pag-awit ng mga pambansang awit ng Pilipinas at Vatican City. Magbibigay ng kani-kanilang pahayag ang dalawang pinuno sa kanilang pagharap sa mga mamamahayag at mga opisyal ng kani-kanilang pamahalaan.

Pagkatapos ng pagdalaw sa Malacanang, magtutungo si Pope Francis sa Manila Cathedral upang magmisa kasama ang mga obispo at pari ng buong kapuluan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>