|
||||||||
|
||
Desisyon ng Korte Suprema sa DAP, isa sa pinakamahirap na hamon
DESISYON NG KORTE SUPREMA, PINAKAMATINDING HAMON SA AQUINO ADMINISTRATION. Ito ang sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. sa kanyang pagtanaw sa patapos na 2014. Nakabawi na umano si Pangulong Aquino sa ikaapat na quarter ng taon matapos bumagsak ang kanyang performance at trust ratings noong ikalawa at ikatlong quarter. (Melo M. Acuña)
ANG desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ang isa sa pinakamatinding hamong hinarap ng Pamahalaang Aquino.
Ayon kay Kalihim Herminio "Sonny" Coloma, Jr., ang desisyong ito ang naghatid sa pinakamababang performance at trust ratings mula ng manungkulan si Pangulong Aquino noong 2010.
Ang pagbagal ng paggasta ng pamahalaan sa ikatlong quarter ng 2014 ay dahilan na rin sa agam-agam na idinulot ng desisyon na pinagbabalik-aralan pa ng Korte Suprema.
Nakabawi sa kanyang ratings noong ika-apat na quarter. Ayon sa Malacanang, may mga pagtatangkang siraan ang pangulo sa pagkakaroon ng "selective justice: sa pagsisiyasat ng mga mambabatas na sangkot sa mga anomalyang may kinalaman sa paglalabas ng Priority Development Assistant Fund (PDAF) subalit ang mga ito'y nawala na rin.
Ibinalita na rin ng Malacanang na unti-unting nalulutas ang port congestion na matagal nang inireklamo ng mga mangangalakal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |