|
||||||||
|
||
Bunga ng mga reporma inaasahang makakamtan sa susunod na taon
UMAASA ang Malacanang na magbubunga ang mga repormang ipinatupad ng Administrasyong Aquino sa taong 2015.
Sa isang pahayag na ipinadala sa CBCP Media Office, sinabi ni Kalihim Coloma, Jr. na naniniwala at kumbinsido si Pangulong Aquino na maayos na nailagay ang pinakapundasyon para makamtan ang mithing inclusive growth sa pamamagitan ng maayos na macroeconomic fundamentals. Nakita ang mga ito sa maayos na ratings na ibinigay sa pamahalaan at unti-unting gumaganda ang tayo ng Pilipinas.
Pinamunuan din umano ni Pangulong Aquino ang pagpapakita sa madla na mayroong political will na gawin ang maayos at karapatdapat. Hindi magtatagal ay magbubunga na ang tayo ng Pilipinas bilang "Asia's rising star."
Desidido ang pamahalaang ituloy ang mga palatuntunan at mga repormang titiyak ng matatag na pamahalaan tulad ng pagbabawas ng bilang ng mahihirap, pagdaragdag ng social protection sa pamamagitan ng universal education at health care at maging socialized shelter. Layunin ding maiwasan ang epekto ng mga kalamitad at pagbabago sa klima at paghahatid ng katarungan sa lahat ng walang itinatangi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |