|
||||||||
|
||
Kalusugan, isang malaking isyu pa rin sa Pilipinas
KALUSUGAN SA PILIPINAS, UMUNLAD BAGAMA'T MGA MGA PROBLEMA PA. Sinabi ni Fr. Luke Moortgat, dating Executive Secretary ng Episcopal Commission on Health Care (gitna) na umunlad na ang pagtrato ng lipunang Pilipino sa mga may kapansanan at iba pang nalimutan ng bansa. Bagaman, marami pang problemang kinakaharap ang mga namumuno. Dumalo rin sa Tapatan sa Aristocrat sina Dr. Ann Claire Rayta, Manager ng Health Services ng Phil. Red Cross (kaliwa) at Dr. Ces Acuin ng Food and Nutrition Council of the Philippines. (Melo M. Acuna)
MAY mga problemang kinahaharap ang sektor ng kalusugan sa Pilipinas. Ito ang sinabi ni Dr. Ann Claire Reyte, Manager ng Health Services ng Philippine Red Cross sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat kaninang tanghali.
Sa public affairs forum, sinabi ni Dr. Reyte na higit na mahirap ang kalagayan ng mahihirap sa malalayong pook na apektado ng mga trahedya tulad ng naganap na pananalanta ng bagyong Yolanda.
Naroon pa rin ang kakulangan ng mga manggagamot at pasilidad sa mga malalayong pook na kailangang daluhan ng pamahalaan. Binanggit din ni Dr. Reyte na malaki ang magagawa ng pamahalaan at ng pribadong sektor upang mapunuan ang mga pagkukulang sa larangan ng kalusugan.
Sa panig ni Fr. Luke Moortgat, CICM, dating executive secretary ng Episcopal Commission on Health Care, may mga naganap na ring pagbabago tulad ng sa pagtrato ng lipunan sa mga may kapansanan. Hindi magtatagal ay magkakabatas na ring magbibigay ng garantisadong pagkalinga sa mga may problema sa pag-iisip. Malayo na rin ang narating ng mga batas at programa para sa mga may karamdaman, kapansanan at maging sa mga nangangailnagan ng extreme mental care.
Para kay Dr. Ces Acuin, hindi na sila umaasa sa Food and Nutrition Research Institute na makakatugon pa ang pamahalaan sa Millennium Development Goals sa loob ng limang taon sapagkat ang kakulangan sa sustansya ay napuna sa 20% ng mga kabataan mula limang taon pababa kahit pa may 27% na malnourished children.
Mula sa 33% ng mga kabataang mula limang taong-gulang pababa noong 2011 ang nababansot, umabot na ito sa 30%. Ang mga nababansot ay madalas magkasakit, dagdag pa ni Dr. Acuin.
Kung kulang sa sustansya ang mga kabataan, napuna naman sa mga matatanda na sobra ang sustansyang kinakain kaya't bumibigat ang timbang, lubhang lumalaki naman ang katawan. Mayroon ngayong 31% ng mga mamamayan na tamang edad ang itinuturing na obese. Ito ng dahilan ng sobrang paggamit ng mga mantika at asukal.
Napuna rin ng pamahalaan ang pagtaas ng bilang ng mga kababaihan at kalalakihang umiinom ng alak ng mas madalas kaysa mga kabataan noong mga nakalipas na dekada. Partikular na nakita ito sa mga kabataang kalalakihan at kababaihan.
Para kay Dr. Reyta, naganap ito sapagkat lubhang lumayo ang tao sa mga karaniwang ginagawa ng mga nakatatanda. May tatlong pinagmumulan ng impluwensya sa mga mamamayan, ang pamilya, simbahan at maging ang mga paaralan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |