|
||||||||
|
||
Pagbabawal sa mga manggagawang patungo sa mga bansang may Ebola, magpapatuloy
NAGDESISYON ang Department of Health na magpapatuloy ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawa sa tatlong bansang apektado ng Ebola kasabay ng pagpapatupad ng 21 araw na kwarantina sa mga naglakbay mula sa mga bansang apektado ng epidemya.
Sinabi ni Acting Health Secretary Jeanette Garin na tuloy ang bansa sa Sierra Leone, Guinea at Liberia ayon sa rekomendasyon ng Ebola rapid response team.
Ang koponan ay binubuo ng anim na dalubhasa sa nakahahawang sakit mula sa San Lazaro Hospital. Isa ang nakauwi noong ikatlo ng Pebrero matapos ang dalawang buwang paninirahan sa tatlong bansa sa West Africa.
Inirekomenda ng koponan na ipagpatuloy ang 21 araw na quarantine period sa mga papauwing manggagawang Filipino at mga banyagang daraan sa Pilipinas at ipagpatuloy pa ang pagbabawal ng pagpapadala ng mga manggagawa sa tatlong bansa.
Nangangamba si Acting Secretary Garin na baka hindi epektibo ang healthcare systems sa Liberia, Guinea at Sierra Leone sapagat ang mga manggagawang may hypertension ay baka mahirapang makatanggap ng medical assistance sa mga bansang ito.
Nalugso na umano ang healthcare systems sa mga bansang nasa Kanlurang Africa kaya't sa oras na magkasakit ang mga Filipino, wala silang mapupuntahan.
Ayon sa World Health Organization, umabot na sa 9,004 ang nasawi mula sa 22,525 na nagkasakit sa tatlong bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |