|
||||||||
|
||
Mga misyonero sa Moslem areas, nagsalita
MATAPOS ang isang buwan ng maganap ang madugong sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao, nagpahayag ng kanilang saloobin ang mga paring kabilang sa Oblates of Mary Immaculate na naglilingkod sa mga lungsod, bayan at lalawigang karamihan ng mga naninirahan ay mga Moslem.
Pinamagatang "Compassion, Truth, Justice and Peace," sinabi ni Fr. Lauro De Guia, Provincial ng OMI missionaries sa Pilipinas na patuloy ang kanilang pananalangin sa Diyos upang maghari ang awa at habag at pakikiisa sa mga naulila, maibsan ang mga panawagang maghiganti at makatulong sa madla sa pagsusuri sa mga nagaganap sa bansa.
Ipinaliwanag ng kongregasyon na sa pagkakaroon ng mga pagsisiyasat, nais nilang magtapos ito at maigawag ang katarungan na magiging sandigan ng tunay na kapayapaan.
Nanawagan din ang kongregasyon na huwag munang husgahan ang mga naganap bagkos ay manalangin upang maliwanagan ang lahat at manatili ang lakas ng loob sa mga naghahanap ng kasagutan sa mga isyung bumabalot sa trahedya.
Hindi sila pabor sa mga pagkilos na lalabas sa napapaloob sa Saligang Batas samantalang nanawagan sila sa mga pumapapel sa hanay ng mga politiko.
Nananawagan din sila sa pamahalaan, sa Moro Islamic Liberation Front, at mga taong may kinalaman sa mga naganap na ilahad ang kanilang nababatid sa madugong pangyayari.
Ikinalulungkot din nila bukod sa nawalang buhay, mas malaking kawalan ang pagtatangkang maghari ang kapayapaan sa bansa. Kailangang maibalik ang pagtitiwala sa bawat isa, partikular sa mga mamamayang nasa mga komunidad, sa pagitan ng mga komunidad na magkakaiba ang kulturang pinagmulan.
Idinagdag pa ni Fr. De Guia na itinuturo ng pananampalataya ang pananalangin at pagtatangkang makipagkasundo at makiisa sa mga mamamayan. Pananatiliin ang pananampalataya, ipagpapatulong ang paghahangad ng katarungan at kapayapaan. Tatanggihan ang anumang tukso ng kaguluhan at walang humpay na magdarasal para sa madla.
Mayroong 110 mga pari at brother na naglilingkod sa iba't ibang bahagi ng Mindanao at Metro Manil ang Oblates of Mary Immaculate.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |