|
||||||||
|
||
Pagpapakita ng katapatan ng MILF, kailangan
SELFIE MUNA PAG MAY TIME. Isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines ang kumuha ng larawan kasama si MILF Chief Negotiator Mohager Iqbal bago nagsimula ang pagdinig kanina sa Senado ng Pilipinas. Ito ang huling pagdinig sa Senado. (Cesar Tomambo/PRIB)
KINATAWAN NG PILIPINAS AT MILF NAG-UUSAP SA SENADO. Nagpapalitan ng mga pananaw sina BGeneral Manolito Orense, chairman ng Philippine Government-Ad Hoc Joint Action Group at MILF chief negotiator Mohager Iqbal bago nagsimula ang huling araw ng pagdinig hinggil sa Mamasapano incident sa Senado. (Cesar Tomambo/PRIB)
SINABI ni Justice Secretary Leila de Lima na kahit ang pamahalaan ay walang poder na puwersahin ang Moro Islamic Liberation Front na isuko ang kanilang mga tauhang nasangkot sa Mamasapano noong isang buwan, maipakikita nila ang kabutihang-loob kung makikita ng madla ang mga mandirigmang nakasagupa ng mga tauhan ng Special Action Force.
Sa panayam sa mga mamamahayag, sinabi ni Secretary de Liama na kung nais ng MILF na ipakita ang good faith, napakalaking confidence-building measure kung sasabihin ng mga namumuno sa MILF na isusuko nila ang kanilang mga tauhan sa tamang panahon.
Sapagkat tuloy pa rin ang imbestigasyon hindi mapupwersa ng pamahalaan ang mga kasapi ng MILF na nasangkot sa sagupaan na sumuko. Maaari lamang magpakulong kung nasa hukuman na ang usapin at kung ang usapin ay hindi mapipyansahan.
Noong nakalipas na Linggo, sinabi ni MILF Chief Negotiator Mohager Iqbal na hindi nila isusuko ang kanilang mga tauhan sapagkat sila na ang magpaparusa sa mga kasapi nila ayon sa itinatadhanan ng ceasefire mechanism.
Mayroon ding sariling pagsisiyasat ang MILF.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |