|
||||||||
|
||
Mga banyaga, interesado sa halalan sa Pilipinas sa 2016
MAAASAHAN ang Estados Unidos na magpaparamdam sa darating na halalan sa Mayo, 2016 tulad ng mga ginawa nila noong mga nakalipas na halalan. Sa nagaganap sa Mamasapano, lalong hindi kakayahin at magiging prayoridad ng Pilipinas na harapin ang mga Tsinong nagtatayo ng mga pulo sa gitna ng South China Sea.
Ito ang pagsusuri ni Malou Tiquia, isang political analyst sa Pilipinas sa kanyang lecture sa Tower Club kaninang umaga. Dapat umanong maging prayoridad ng pamahalaan ang pag-aayos ng Armed Forces of the Philippines at maging kakayahan ng Philippine National Police. Kailangang magkaroon ng makabagong kagamitan sa komunikasyon upang huwag mapahamak ang madla.
Interesado ang Tsina, ang America at maging European Union sa idaraos na halalan at mas makabubuting mabantayan ang mga ginagawa ng mga nasa pamahalaan at mamamayang Filipino.
Ang Amerika ay magiging interesado sa darating na halalan tulad ng iba't ibang bansa na may mga kalakal sa abansa. Mas makabubuting bantayan ng pribadong sektor ang nagaganap sa bansa tulad ng ginagawa ng Joint Foreign Chambers of Commerce sa kanilang "Arangkada" na nagsuri sa mga palatuntunan ng Aquino administration sa nakalipas na apat na taon.
MAHALAGA ANG KAPAYAPAAN SA MINDANAO. Ayon kay EU Ambassador Guy Ledoux, makaaapekto sa imahen ng bansa kung magkakaroon ng kaguluhan sa ilang bahagi nito. Mas makabubuti ang payapang kalagayan upang huwag mangamba ang mga mangangalakal, dagdag pa ng ambassador. (Melo M. Acuna)
Samantala, sinabi ni Ambassador Guy Ledoux na bukod sa interes ng iba't ibang bansa na maghari ang kapayapaan sa Mindanao, nararapat itong maging prayoridad ng mga Filipino at ng bansang Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Ambassador Ledoux na ang anumang kaguluhan sa alinmang bahagi ng Pilipinas ay makasasama sa imahen ng bansa at magkakaroon ng epekto sa foreign investments at sa ekonomiya ng bansa.
Kahit pa may naganap na madugong sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na Enero 25, tuloy pa rin ang peace process sapagkat pinag-uusapan pa sa senado at kongreso ang Bangsamoro Basic Law.
Umaasa ang pinuno ng European Delegation sa Pilipinas na sa oras na matapos ang pagsisiyasat, maaayos na naman ang daan at makapagpapatuloy ang nabalam na peace process.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |