|
||||||||
|
||
Mga nasamsam na bigas at iba pang pagkain, nararapat suriin
BIGAS NA NASAMSAM, DAPAT SURIIN. Ito ang panawagan ni Agriculture Undersecretary Segfredo Serrano sa ibang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan. Karaniwang sinusubasta ang mga nasamsam na bigas. May balita kasing may cadmium ang bigas mula sa ibang bansa. Batid na rin ng kanilang mga pamahalaan ang situasyon. (Melo M. Acuna)
NANAWAGAN si Agriculture Undersecretary Segfredo Serrano sa mga nasa pamahalaan na huwag namang basta isubasta ang mga bigas at iba pang pagkaing nasamsam.
Sa isang exclusive interview, sinabi ni Undersecretary Serrano na kailangang masuri ang mga pagkaing ito upang matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino. Ito ang marapat gawin matapos lumabas sa mga media outlet sa Tsina na mayroong mga palayang hindi na pinapayagang magtanim ng butil dahil sa heavy metal content.
Pinagdududahan nila ang pagtataglay nito ng cadmium na dahilan ng pagkakaroon ng sakit na cancer. Nagkataon nga lamang na wala na sa kanilang nasasakupan ang National Food Authority sapagkat ito'y nasa ilalim na ng pangangasiwa ni Kalihim Francis "Kiko" Pangilinan.
Maaaring gawin ang pagsusuri sa mga pinagdududahang produkto sa laboratoryop ng Bureau of Plant Industry at maging sa Food Development Center sa sa Food Development Center ng National Food Authority.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |