|
||||||||
|
||
Secretary General ng OIC, dumating sa Maynila
DUMATING na sa Maynila si Iyad Ameen Madani, secretary general ng Organization of Islamic Cooperation para sa apat na araw na opisyal na pagdalaw.
Inaasahang makakausap niya si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at iba pang mga opisyal ng bansa. Umaasa rin siyang makakadalaw sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
Nagmula sa Malaysia si G. Madani at nakausap niya si Foreign Minister Dato' Sri anifah Hj. Aman. Pinag-usapan nila ang kasunduang pangkapayapaan sa Pilipinas, mga nagaganap sa Gitnang Silangan, partikular sa Palestine at Yemen at mga paraan upang harapin ang extremism at sectarian violence kasama na ang humanitarian crisis na nakaapekto sa Muslim minorities sa rehiyon, partikular sa Myanmar.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |