|
||||||||
|
||
Preventive Suspension Order, iginawad sa Del Monte Motor Works
SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa loob ng 30 araw ang 15 unit ng kumpanya ng Del Monte Motor Works at pinagpapaliwanag kung bakit hindi sila nararapat pagmultahin ng P 1 milyon matapos masangkot ang isang bus nila sa isang sakuna sa Eastern Samar kamakailan.
Naaksidente ang isang bus ng DLTB noong ika-12 ng Abril sa National Highway sa Barangay Bagte, Quinapondan, Eastern Samar. Lima katao ang nasawi samantalang maraming iba pa ang nasugatan. PInagmumulta sila ng P 1 milyon sa pagpapatakbo ng mga bus ng wala sa franchise area.
Ang autorisadong ruta ng naaksidenteng bus ay San Pablo City – Pasay City na daraan sa Alaminos, Laguna at humiling ng modified route na Nasugbu, Batangas at Pasay City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |