|
||||||||
|
||
20150514ditorhio.mp3
|
Si Winston Sterzel ay isang "laowai" mula sa Timog Aprika. Siya ngayon ay nakatira sa lunsod ng Shenzhen, probinsyang Guangdong, sa may timog na bahagi ng Tsina.
Si Winston ay abala sa maraming bagay, at isa sa mga ito ay ang pagiging blogger.
Sa pamamagitan ng kanyang mga video blog na kinuha mula sa mga kalye ng Shenzhen, naipapakita niya sa mundo ang "tunay na Tsina."
Noong 2005, isang business trip ang nagdala kay Winston sa Shenzhen. Mula noon, nahulog ang kanyang loob sa Tsina.
Nang makabalik sa Timog Aprika, ibinenta niya ang lahat ng kanyang ari-arian, at iniwan ang kanyang tahanan sa Johannesburg upang mamuhay sa Shenzhen.
Sa kanyang pananatili sa Tsina, maraming natututunan si Winston, gaya ng maling pagkaunawa ng kanluran sa Tsina. Gusto ni Winston na baguhin ang mga stereotype at kamaliang ito.
Kaya, ito ang naging simula ng kanyang video blog sa Youtube.
Maliban sa paggawa ng video at pagte-train ng mga doktor na papunta sa ibang bansa, mayroon pang ibang astig na gawain itong si Winston, at ito ang pagmomotorsiklo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |