|
||||||||
|
||
Reklamo laban kay Senate President Drilon at mga kasama, ibinasura
PINAWALANG-SAYSAY ng Ombudsman ang reklamo laban kina Senate President Franklin M. Drilon, Public Works Secretary Rogelio Singson at Tourism Secretary Ramon Jimenez, Jr. sa pagtatayo ng Iloilo Convention Center.
Ayon kay Senate President Drilon, natanggap na niya ang sipi ng desisyong may petsang ika-26 ng Marso, 2015 kagabi.
Nagmula ang reklamo sa isang Melchor Mejorada.
Napapaloob sa 27-pahinang desisyon, sinabi ng Ombudsman na walang basehan upang kasuhan ang mga inakisahan ng malversation of public funds at plunder. Wala umanong ebidensya na naglaan ang mga inakusahan, nagkaroon ng misappropriations at nagsabwatan sa paglustay ng salapi ng pamahalaan.
Pinuna rin ng Ombdusman si Mejorada sa paggamit ng mga detalyes na natatagpuan sa internet sa pagrereklamo.
Sa ginawang pagdinig ng Senado noon, inamin ni Mejorada na wala siyang material evidence upang patunayan ang kanyang mga reklamo at umasa lamang siya sa online sources tulad ng "Wikipedia."
Pinaratangan ni Mejorada sina Senate President Drilon ng pagpapataas ng halaga ng pagtatayo ng Iloilo Convention Center sa halagang P 192,000 sa halip na P 30,000 sa bawat metro kwadrado. Walang maipakitang ebidensya si Mejorada upang suportahan ang kanyang reklamo.
Hindi rin totoo ang alegasyon na walang public bidding. Sapagkat walang ebidensyang naisumite si Mejorada, hindi masisiyasat ang anggulo ng pagsasabwatan.
Nagpasalamat naman si Senate President Drilon sa madaling pagkilos ng Ombudsman sa usapin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |